(Datos mula sa Saksi sa Pandaraya ng AB)*
Ang People’s International Observers’ Mission o IOM ay kinabilangan ng 27 unyonista, estudyante, aktibista, taong-simbahan, akademiko, artista at abugado mula sa Australia, Belgium, Canada, Germany, South Korea, Japan, Myanmar, Norway, Scotland, The Netherlands, Switzerland at US na nagmasid, nagtala at nag-ulat hinggil sa mga nasaksihan nila sa takbo ng eleksyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ayon sa IOM, kabilang na ang Pilipinas sa talaan ng pinakamarurumi at pinakamadudugong eleksyon sa buong mundo. Mas malala pa ang eleksyon sa Pilipinas kaysa sa naranasan niya sa Afghanistan kung saan naging pinakamatindi ang karahasan sa eleksyon.Isinagawa ng mga alipures ni Gloria Arroyo ang pagbili ng boto, pagmanipula sa resulta ng botohan, pagbabanta, pambobomba at iba pang maniobra at karahasan sa pamamagitan ng mga pwersang militar at pulis, mga private army ng mga pulitiko at maging ng mga upisyal ng Comelec. Kahit mga dayuhang tagamasid ay hindi nakaligtas sa pananakot ng mga militar nang iharas sila sa Cebu at sa Nueva Ecija.

(Datos mula sa Sampal kay Arroyo ng AB)

  1. Nakapagkamit ng makabuluhang tagumpay ang mga progresibong partido at oposisyon sa halalan sa Senado, sa party-list, sa ilang pamahalaang lokal at distritong kongresyunal. Nanguna sa halalan sa Senado ang nakararaming kandidato ng Genuine Opposition. Kabilang sa 12 na may pinakamataas na boto si dating Ltsg. Antonio Trillanes IV, isa sa mga lider ng pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 at nanumpang uunahin niya bilang senador ang pagsagawa ng hakbang para mapatalsik sa pwesto si Arroyo.
  2. Tampok din sa halalan sa Senado ang maliit na botong nakukuha ng pangunahing mga tagapagsalita ng rehimeng Arroyo, kabilang sina Mike Defensor at Prospero Pichay. Continue reading ‘Ilang Nagtagumpay sa Eleksyon’

(Pahayag ng KM sa Eleksyon 2007)

Bunsod ng kronikong krisis ng lipunang malakolonyal at mala-pyudal, at ng krisis ng rehimeng US-Arroyo na ginagawa ang lahat para lamang makapanatili sa kapangyarihan, naging pinakamarahas, pinakamadaya at pinakamarumi ang halalang 2007 sa kasaysayan ng bansa.

Ang pangkalahatang bilang ng namatay ay lagpas sa 100 katao. Kung ibabatay sa eleksyon simula 1995, tinatayang anim na beses ang paglaki ng mga kandidatong napatay. Nagpapatuloy ang pampulitikang pamamaslang lalo na sa hanay ng mga pwersang makaka-Kaliwa. Higit pang malaki ang bilang ng mga napaslang kung isasama ang mga lider at kasapi ng mga progresibong grupong party-list ilang buwan bago ang eleksyon. Continue reading ‘Pinakamarahas, pinakamadaya at pinakamarumi ang Halalang 2007′


“Ang totoo sa pag-ibig: dumaranak na endorphins
Hypertestosterone, masangsang na feromones
Hypersensitive erogenous zones,
Love is all that matters.
Hindi lunas sa sakit, sakuna, o panganib.
Love is the answer.
Hindi makapataas ng IQ. Hindi maisaing,
Hindi man lang maipambalot sa daing.
Ang totoo’y mas higit na nagmamahal ang isa sa isa
Kahit gaano pa katiting ang diperensya.
Ilang taon kaya bago maging matamlay ang sex?
Gumising ang tao at maiisip niyang siya’y sawa na.
At sa pagod sa dami ng gawain
may daragdag pang asawa na dapat asikasuhin.
Ano nga ba ang ibig sabihin kapag sinabi mong, Mahal kita?
Na hindi ka na kumpleto mula ngayon
Na wala nang iba pa (sa ngayon).
Pero si Anton at si Joni: lumundag ngayon!
Sa malalim na dagat ng tiwala
Mayroong kumakampay nang sabay
Mayroong lumulutang na matagumpay ”- mula sa Ang Totoo sa Pag-ibig ni Ani BatumbakalKapag umiibig tayo ng totoo, umaapak tayo sa putik. Tulad ng magbubukid habang nagsasaka, nakayapak siya sa lupa para makisama sa langit, tubig, binhi at kapwa maglulupa; nakayapak para kumunekta at maging isa na lamang salik sa proseso ng pagbuhay at pagbibigay-buhay. Kapag umiibig tayo, inaalis natin ang pagtuon sa ating sarili upang maging bahagi ng buhay ng minamahal, para makiisa sa mas malawak na pag-iral.Kaya naman sinasabing ang mga rebolusyonaryo ang isa sa mga pinakatapat na mga mangingibig. Alam ng rebolusyonaryo kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-alay ng sarili para sa kapakanan ng iba at ng nakararami.Ang bawat rebolusyonaryo ay may kalayaan sa pag-ibig at karapatang maging maligaya sa pag-aasawa, at batid nilang nananaig sa pakikipagrelasyon ang rebolusyonaryong interes ng mamamayan. Sabay nilang kinikilala ang batayang personal at pagkukusang ipailalim ang pag-ibig sa mithiin ng rebolusyon.

Nagtatawanan ang mag-asawa nang sinimulang ilahad ang kwento nila.

Continue reading ‘Rebolusyonaryong Pinoy Romance’


ANG DOMINANTENG MIDYA SA PILIPINAS ay pangunahing nagsisilbi bilang 1) instrumentong ideolohikal ng papet na estado at 2) institusyong komersyalisado. Sa pamamagitan ng midya, ang pagpapahirap at pambubusabos ng imperyalistang US at lokal na naghaharing-uri ay hindi lamang itinatago kundi ipinapatanggap sa masa. Ito ang maaasahan sa midya na pag-aari ng malalaking burgesya -mga burukrata-kapitalista na nakikinabang sa dominasyon ng mga imperyalista sa bansa. Dahil dito ang dominanteng midya sa Pilipinas ay tinatawag na reaksiyonaryo. Continue reading ‘Reaksyunaryong Midya’


“Pangarap kong tuparin ang pangarap niyo.”-pahayag ni Pichay, isang sagad-sagaring tuta ng rehimen at despotikong panginoong maylupa sa Mindanao . Siya ang nagsulong ng batas para gawing special economic zone at free port ang pinamumunuang mga munisipalidad ng Surigao del Sur. Umaabot sa P34,135,550.00 ang yaman (idineklarang Net Worth ) nito. Siya ang naging chairman ng National Defense and Security ng Kongreso -pusisyong ipagkakatiwala lamang sa mga pulitikong handang ilunsad ang sistematikong panununupil sa mamamayan. Siya ang nagsulong ng Identification System sa bansa at pagpapataas ng bayad sa militar (rate of combat duty pay). Ngayong panahon ng eleksyon, alalahanin ang botod na pulitikong nagpapakasasa sa yaman ng bansa at panunupil sa mamamayan.

“Walang Pilipinong iskwater sa sariling bansa.”

-pahayag ni Mike Defensor, sagad-sagaring tuta ng rehimeng may pananagutan sa demolisyon ng maraming tahanan sa Metro Manila at kalapit na probinsya. Mismong mga internasyunal na grupong pangkarapatang pantao ang nagpatunay na ang gobyernong Arroyo ay kasama sa mga nangunguna sa mundo na nagsagawa ng malawak na dislokasyon ng mamamayan.

Continue reading ‘Sinong Sinungaling? Mga Mensahe ng trapo at pakawala ng estado’


edcart.jpgNGAYONG HALALAN, masasaksihan ng sambayanang Pilipino ang isa sa pinakamarahas, pinakamadugo at pinakamaduming halalan sa kasaysayan ng bansa. Sa panahon ng pag-igting ng tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing-uri, lalo ring tumitindi ang tunggalian sa pagitan ng sambayanan at ng kinamumuhiang rehimeng US-Arroyo. Nagkukumahog ito sa pagsalba sa sarili laban sa hatol ng nagngangalit na sambayanan.Matindi ang desperasyon ng rehimeng US-Arroyo na pigilan ang pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan, pagbigo sa ligal na demokratikong kilusan na naggigiit sa mga demokratikong karapatan ng masang Pilipino, at pagpanalo ng mga progresibong partylist at kandidato sa pambansa at lokal. Dahil sa buhong na pagkatakot, pinakamasahol na mga maniobra ang ginagawa at binabalak nito.

Lalong nitong pinapatindi ang pasistang atake sa ligal na demokratikong kilusan. Walang habas ang pamamaslang, pagdukot, at pananakot sa mga militante at progresibong lider-masa. Higit na malala, pinapaigting nito ang militarisasyon sa kanayunan at pati na rin sa mga sentrong lungsod. Kaugnay nito ang pagpapasa sa batas kontra-terorismo na Human Security Act.

Maitim ang balakin nito sa pagharang sa panalo ng mga progresibong partylist at mga kandidatong nais magsulong ng tunay na pagbabago para sa masang Pilipino. Abala ang administrasyon sa paghahanda ng samu’t saring kaso laban sa progresibong mga party-list, sa tuluy-tuloy na pagpapalaganap ng maitim na propaganda at red-baiting, at sa pagsisikap na idiskwalipika ang mga progresibong party-list. Continue reading ‘Ilantad ang kabulukan ng reaksyunaryong halalan ng estado! Biguin ang pasistang pang-aabuso ng rehimen!’