Old Web Issues

Ilang Tala ng Pandaraya
(Datos mula sa Saksi sa Pandaraya ng AB)*

Ang People’s International Observers’ Mission o IOM ay kinabilangan ng 27 unyonista, estudyante, aktibista, taong-simbahan, akademiko, artista at abugado mula sa Australia, Belgium, Canada, Germany, South Korea, Japan, Myanmar, Norway, Scotland, The Netherlands, Switzerland at US na nagmasid, nagtala at nag-ulat hinggil sa mga nasaksihan nila sa takbo ng eleksyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Ayon sa IOM, kabilang na ang Pilipinas sa talaan ng pinakamarurumi at pinakamadudugong eleksyon sa buong mundo. Mas malala pa ang eleksyon sa Pilipinas kaysa sa naranasan niya sa Afghanistan kung saan naging pinakamatindi ang karahasan sa eleksyon.Isinagawa ng mga alipures ni Gloria Arroyo ang pagbili ng boto, pagmanipula sa resulta ng botohan, pagbabanta, pambobomba at iba pang maniobra at karahasan sa pamamagitan ng mga pwersang militar at pulis, mga private army ng mga pulitiko at maging ng mga upisyal ng Comelec. Kahit mga dayuhang tagamasid ay hindi nakaligtas sa pananakot ng mga militar nang iharas sila sa Cebu at sa Nueva Ecija.

Ayon sa IOM, “sadya at planado ang kaguluhan” sa eleksyon para mahadlangan ang pagboto ng mga botanteng hindi kontrolado ng mga maka-Arroyong kandidato. Laganap din ang pananakot. Sistematikong nanghimasok ang militar sa prosesong elektoral, anang IOM, kaya natakot ang mamamayang gamitin ang kanilang karapatang bumoto. Malawakan ang presensya ng mga batalyon ng AFP, at tuluy-tuloy ang mga kampanyang saywar at mga kaso ng harasment hanggang sa maganap ang eleksyon. Inutusan ang mga botante na huwag iboto ang ilang grupong party-list na binansagang prente ng Bagong Hukbong Bayan, anang IOM. “Dahil sa laganap na pandaraya, panloloko at manipulasyon, imposibleng magkaroon ng patas at malinis na eleksyon,” anito.

Ilang Nagtagumpay sa Eleksyon
(Datos mula sa Sampal kay Arroyo ng AB)

Nakapagkamit ng makabuluhang tagumpay ang mga progresibong partido at oposisyon sa halalan sa Senado, sa party-list, sa ilang pamahalaang lokal at distritong kongresyunal. Nanguna sa halalan sa Senado ang nakararaming kandidato ng Genuine Opposition. Kabilang sa 12 na may pinakamataas na boto si dating Ltsg. Antonio Trillanes IV, isa sa mga lider ng pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 at nanumpang uunahin niya bilang senador ang pagsagawa ng hakbang para mapatalsik sa pwesto si Arroyo.

Tampok din sa halalan sa Senado ang maliit na botong nakukuha ng pangunahing mga tagapagsalita ng rehimeng Arroyo, kabilang sina Mike Defensor at Prospero Pichay.

Sa halalan para alkalde ng Makati City, bumuhos ang boto para kay Jejomar Binay, ang oposisyunistang meyor na makailang ulit na sinubukang suspindihin ng Malacañang, gayundin sa katiket niya para sa vice mayor, konseho at mga distritong kongresyunal ng Makati. Sa kabilang banda, mga 10% lamang ng mga boto ang nakuha ni Lito Lapid, ang sugo ni Arroyo na pinatakbo niya laban kay Binay.

Nagwagi naman sa Pasay City ang napatalsik na oposisyunistang meyor na si Wenceslao ”Peewee” Trinidad matapos gawin ang lahat ng Malacañang para ipakulong siya noong 2006 dahil sa mga gawa-gawang kaso.

Sa Maynila, tinalo ni Alfredo Lim si Ali Atienza, anak ng alkalde ng Maynila na isa sa mga pinakamasusugid na alyado ni Arroyo at tagasupil ng mga rali sa Maynila.

Sa unang distrito ng South Cotabato, walang panama ang kasikatan ng boksingero at tuta ng Malacañang na si Manny Pacquiao kay Darlene Antonino-Custodio, isa sa mga oposisyunistang kongresistang nanguna sa pagsusulong ng kasong impeachment.

Sa unang distrito ng Bukidnon, tinalo ni Malou Acosta, isang oposisyunista, si Virgilio Garcillano, ang opereytor na nakilala ng buong bayan bilang ”Garci” nang malantad ang pagsasabwatan nila ni Gloria Arroyo sa pandaraya sa eleksyon.

Sa Naga City, talo ng oposisyunistang si Jesse Robredo ang kandidato ng administrasyon sa pagkaalkalde na si Jojo Villafuerte, pamangkin ni Luis Villafuerte na presidente ng partido pulitikal ni Arroyo. Ito’y sa kabila ng pagtatangka ng Malacañang at mga Villafuerte na madiskwalipika si Robredo. Inakusahan siyang hindi Pilipino dahil ang lolo niya sa tuhod ay galing sa China.

Sa Pampanga, ang prubinsya ni Gloria Arroyo, nanaig ang baguhang si Fr. Ed Panlilio sa kapwa maka-Arroyo na mga kandidatong sina Lilia Pineda at Mark Lapid. Si Lilia Pineda ay asawa ni Bong Pineda, isang malaking jueteng lord, kababayan at mahigpit na kaalyado ni Arroyo. Si Mark Lapid, na malapit din kay Arroyo, ay inaakusahang nangupit ng hanggang bilyong pisong bayad sa gubyerno ng mga naghahakot ng graba mula sa mga ilog ng Pampanga.

Sa Iloilo, maagang tumanggap ng pagkatalo sa halalang pagkagubernador si Roberto Armada, kandidato ni Arroyo laban sa kasalukuyang gubernador na si Niel Tupas Sr. Si Tupas ay isang kilalang oposisyunista na tinangkang patalsikin ng rehimeng Arroyo sa kapitolyo noong nakaraang Enero.

Sa Isabela, tinalo muli ng nakaupong gubernador na si Grace Padaca ang warlord at maka-Arroyong si Benjamin Dy.

Sa kabila rin ng tuluy-tuloy na kampanya ng pamamaslang, panunupil at pananakot laban sa mga progresibong partido, muling nakapasok ang mga kandidato mula sa Bayan Muna (BM), Anakpawis at Gabriela Women’s Party (GWP) sa halalan para sa party-list.

Pinakamarahas, pinakamadaya at pinakamarumi ang Halalang 2007
(Pahayag ng KM sa Eleksyon 2007)

Bunsod ng kronikong krisis ng lipunang malakolonyal at mala-pyudal, at ng krisis ng rehimeng US-Arroyo na ginagawa ang lahat para lamang makapanatili sa kapangyarihan, naging pinakamarahas, pinakamadaya at pinakamarumi ang halalang 2007 sa kasaysayan ng bansa.

Ang pangkalahatang bilang ng namatay ay lagpas sa 100 katao. Kung ibabatay sa eleksyon simula 1995, tinatayang anim na beses ang paglaki ng mga kandidatong napatay. Nagpapatuloy ang pampulitikang pamamaslang lalo na sa hanay ng mga pwersang makaka-Kaliwa. Higit pang malaki ang bilang ng mga napaslang kung isasama ang mga lider at kasapi ng mga progresibong grupong party-list ilang buwan bago ang eleksyon.

Pinatindi rin ang militarisasyon sa parehong kanayunan at kalunsuran lalo na sa mga komunidad kung saan malakas ang mga progresibong partido at oposisyon. Sari-saring paraan ang ginamit ng militar para takutin ang mamamayan. Nagsagawa ito ng mga talakayan, maging sa paaralan, hinggil sa mga progresibong grupo. Nagpakita ito ng presensiya sa mga matataong lugar. At, lantaran itong namilit sa pagpapaboto sa partidong alaga ng Malacañang at AFP gaya ng Bantay, ANAD at AKSA. Sa maraming lugar, gaya ng La Union, hinarang ang mga poll watcher ng mga progresibong partido at kahit nasa loob na ng mga presinto ay hinaras pa ng mga sundalo at pulis. Sa ibang lugar, idineklara ang failure of elections upang makapandaya.

Ipinalaganap ng Comelec at PNP ang malaking kasinungalingan na ang nakaraang eleksyon ay ‘mapayapa maliban sa maliliit na kaso.’ Sa Batangas, ibinintang ng hepe ng PNP sa Bagong Hukbong Bayan ang panununog sa eskwelahan para pagtakpan ang ginagawa ng mga militar at pulis na pagpapakasangkapan sa mga pulitiko sa pandarahas. Ang nasabing panununog ay ikinamatay ng dalawang katao. Hindi nagtagal nang mabunyag na mga tauhan mismo ng PNP ang may kagagawan pagkatapos ituro ng mga saksi.

Ipinalaganap din ng administrasyon na naging malinis ang nakaraang halalan. Patunay daw dito ang pagkapasok ng maraming kandidatong oposisyon sa senado. Taliwas dito, ang nakaraang halalan ay katatampukan ng mas marami at lantad na pandaraya. Kung hindi lamang sa pagpupursige at pagbabantay ng mamamayan at matinding bangayan ng mga naghaharing-uri, lalo pang dumami ang nananaig na kandidatong maka-administrasyon.

Sa buong bansa, naiulat ang iba’t ibang porma ng pandaraya. Sa pangkalahatan, ang naiulat na mga porma ng pandaraya ay naglilingkod sa kandidato ng administrasyon sa lokal na antas at sa karerang pansenador. Lumilitaw na ang layunin ng administrasyon ay tiyaking solido ang Kongreso kasabay ng pagsisikap manalo sa Senado. Pinakamatitingkad ang pandaraya sa Mindanao. Sa Maguindanao, Sulu at Bohol, nagkaroon ng halos 12-0 resulta ang eleksyon sa pagkasenador pabor sa administrasyon. Walang botohang naganap sa Maguindanao. Sa halip, mga election inspector na ang pumuno sa mga balota na pinatatakan lamang ng thumbmark ng mga bata. Gayundin ang nangyari sa Sulu. Todo-todo rin ang pandaraya ng administrasyon sa ARMM, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Zamboanga Sibugay. Sa mga lugar na ito, pare-parehong sulat-kamay ng iisa o iilang tao ang nasa mga balota at canvass ng mga boto. Sa Mindanao, nakapwesto ang mga mandarayang upisyal ng Comelec sa Mindanao kaya dito umasa ng malaki ang mga kandidato ng Malacañang.

Pinakamarumi ang naganap na halalan. Nanatili at hindi nabago ang komposisyon ng Comelec, pangunahing ahensya ng gobyernong nangangasiwa sa eleksyon, sa kabila ng pagkakalantad sa kabulukan nito simula pa noong 2004 . Ipinatigil ng Comelec ang ginagawang pag-uulat ng midya sa pagbibilang ng boto. Ito ay dahil sa maraming pagkakataon ay naipararating agad sa publiko ang resulta ng bilangan sa mga presinto bago pa man ito maretoke ng mga opereytor ni Arroyo. Pinuruhan ng maruruming taktika ang progresibong mga party-list: Mula sa militarisasyon sa Kamaynilaan hanggang sa pandaraya sa bilangan.

Sa Isabela, iniulat ng NDF-Northeastern Luzon na mismong pinuno ng Comelec na si Benjamin Abalos ang sinuhulan ng P200 milyon upang tiyaking maiuupo si Benjamin Dy bilang gubernador. Ang pakana na patalsikin si Grace Padaca bilang gubernador ay nagmula mismo kay Arroyo. Sa kabila ng kalamangan ni Padaca, inaantala ng Comelec ang kanyang proklamasyon upang mabago pa ang resulta ng eleksyon doon.

Laganap at lantaran din ang pandaraya sa mga progresibong party-list na Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, Kabataan at Suara Bangsamoro. May naidokumento na silang 156 kaso ng mga pandaraya, maruruming maniobra at karahasan laban sa kanila sa Pampanga, Batangas, Quezon City, Albay, Camarines Sur at Norte, Maguindanao, Lanao del Sur, Sultan Kudarat, Zamboanga Sibugay at marami pang lugar.

Kabilang sa mga maniobrang ginawa sa Mindanao ang pagtatanggal sa election returns (ER) ng pahina para sa party-list; di pagbasa o pagtatala ng mga boto para sa mga progresibong partido at Genuine Opposition; pagpapahuli sa bilangan ng boto para sa party-list at mga senador upang lutuin na lamang pagkatapos; bentahan ng mga ER; at di pagbibigay ng kopya ng election returns para sa mga progresibong party-list at oposisyon at sa halip pagpapasa ng mga ito sa mga kakampi ng Malacañang.

Ang mga botong sistematikong kinakaltas sa mga progresibong partido ay idinaragdag naman sa mga pasista at mersenaryong grupong pakawala ng Malacañang at AFP, gaya ng ANAK, Agap, Aging Pinoy, AKSA, Apoy, ANAD, Bantay, Biyaheng Pinoy, Ahon Pinoy, Abono, Kasangga at Kakusa.

Walang dudang may milagrong ginawa sa pangunguna sa talaan ng Comelec ng mga bagong grupong party-list tulad ng Abono at Biyaheng Pinoy. Ang Abono na nagpapanggap na organisasyon ng mga magsasaka ay itinayo ni Speaker Jose de Venecia at ang Biyaheng Pinoy na nagpapanggap na organisasyon ng mga drayber ng traysikel ay itinayo ng nakatatandang kapatid ni Comelec Chairman Benjamin Abalos. Sa talaan ng Namfrel, nanguna ang Gabriela Women’s Party at Bayan Muna. Patunay din sa maruming eleksyon ang pagpapatakbo sa pinakamabaho sa kilalang mga taguyod ng rehimeng Arroyo sa eleksyong party-list, bagay na nagpapakitid pang lalo sa napakaliit na ngang espasyong ibinibigay ng gobyerno para sa kinatawan ng mga mamamayan. Bumaha ang pondong mula sa kabangyaman ng bansa para sa kampanya ng mga alyado ng Malakanyang. Sa kaso nina DOJ Sec. Raul Gonzalez at Gob. Ampatuan ng Maguindanao, lantaran ang pagtatangkang ikutan ang batas at bigyang-katwiran ang pamimili ng boto at mga alyado.

Ginawa man ng rehimeng US-Arroyo na pinakamarahas, pinakamadaya at pinakamarumi ang kakatapos na halalan sa kasaysayan ng bansa, hindi maikakaila ang galit ng mga mamamayan sa resulta ng bilangan – bagay na nagpahirap sa administrasyong todo-todong mandaya. Tampok ito sa kaso ng GO at ni Trillanes, Ed Panlilio, Grace Padaca.

Nagpapatuloy ang paglakas ng rebolusyunaryong kilusan habang nababaon sa krisis ang rehimen. Nalantad ang usapang “Hello Garci” mahigit isang taon pagkatapos ng eleksyong 2004, pero grabeng krisis ang idinulot nito sa rehimeng US-Arroyo. Sa mahigpit na pagbabantay ng malapad na oposisyon sa rehimeng US-Arroyo, mas nailantad ang pandaraya ng rehimen. Sa pagkakalantad ng pandarayang ito, lalong nahiwalay ang rehimeng US-Arroyo sa mga mamamayan. Sukdulang nagtulak ang pagkakalantad ng panibagong bugso ng mga pagkilos para patalsikin ang rehimen.

Dahil inaasahan ng rehimen ang panibagong bugsong ito, pinasasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang pasismo para pigilan ang pag-aklas ng mamamayan. Patunay dito ang pagsasabatas ng Anti-terror Law na kung susuriin ay hindi nalalayo sa batas militar ng rehimeng Marcos.

Ang nagdaang eleksyon at ang panibagong hakbang sa panunupil ng estado ay lalong nagpapatingkad sa kahungkagan ng eleksyon sa ilalim ng reaksyunaryong sistema. Ang tanging solusyon para wakasan ang paghahari ng mga ganid at pasista ay ibayong isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon.

Rebolusyonaryong Pinoy Romance
“Ang totoo sa pag-ibig: dumaranak na endorphins

Hypertestosterone, masangsang na feromones

Hypersensitive erogenous zones,

Love is all that matters.

Hindi lunas sa sakit, sakuna, o panganib.

Love is the answer.

Hindi makapataas ng IQ. Hindi maisaing,

Hindi man lang maipambalot sa daing.

Ang totoo’y mas higit na nagmamahal ang isa sa isa

Kahit gaano pa katiting ang diperensya.

Ilang taon kaya bago maging matamlay ang sex?

Gumising ang tao at maiisip niyang siya’y sawa na.

At sa pagod sa dami ng gawain

may daragdag pang asawa na dapat asikasuhin.

Ano nga ba ang ibig sabihin kapag sinabi mong, Mahal kita?

Na hindi ka na kumpleto mula ngayon

Na wala nang iba pa (sa ngayon).

Pero si Anton at si Joni: lumundag ngayon!

Sa malalim na dagat ng tiwala

Mayroong kumakampay nang sabay

Mayroong lumulutang na matagumpay ”- mula sa Ang Totoo sa Pag-ibig ni Ani BatumbakalKapag umiibig tayo ng totoo, umaapak tayo sa putik. Tulad ng magbubukid habang nagsasaka, nakayapak siya sa lupa para makisama sa langit, tubig, binhi at kapwa maglulupa; nakayapak para kumunekta at maging isa na lamang salik sa proseso ng pagbuhay at pagbibigay-buhay. Kapag umiibig tayo, inaalis natin ang pagtuon sa ating sarili upang maging bahagi ng buhay ng minamahal, para makiisa sa mas malawak na pag-iral.Kaya naman sinasabing ang mga rebolusyonaryo ang isa sa mga pinakatapat na mga mangingibig. Alam ng rebolusyonaryo kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-alay ng sarili para sa kapakanan ng iba at ng nakararami.Ang bawat rebolusyonaryo ay may kalayaan sa pag-ibig at karapatang maging maligaya sa pag-aasawa, at batid nilang nananaig sa pakikipagrelasyon ang rebolusyonaryong interes ng mamamayan. Sabay nilang kinikilala ang batayang personal at pagkukusang ipailalim ang pag-ibig sa mithiin ng rebolusyon.

Nagtatawanan ang mag-asawa nang sinimulang ilahad ang kwento nila.

“Iyong sa amin? Hindi love at first sight,” pagsisinula ni Ka Carol, isang kasama ng hukbo. “Magkaiba kami ng yunit sa KM pero nagkasama kami sa pagkilos sa paaralan. Hanggang sa umunlad…”

LigawanKarapatan ng bawat isang walang kasintahan o asawa ang panliligaw. Nakakapanabik itong pakikipagsuyuan, itong pagpapakilala ng sarili, at pagkilala sa napupusuan. Tulad ng isang mandirigma, ito’y pag-estima sa tereyn bago tuluyang bagtasin; ito’y pagkasa sa baril para tuluyang pumutok, este, para taimtim na alalahanin ang paninindigan. Sa pagpili at pagtanggap ng panliligaw, magkasama ang batayang personal at pulitikal.

“Ang nangingibabaw na tingin ko sa kanya noon, maganda at masayahin, ” sabi naman ni Antoy. “Ako tingin ko sa kanya noong una – tahimik,” salo ni Ka Carol.

“Aktibo siya sa paggampan ng gawain. Palagi ko siyang nakikita. Gumagaan ang loob ko kapag nakakasama ko siya,” dagdag ni Ka Antoy.

“Sa palagian naming pagkakasama, nakita kong kahit tahimik siya, malalim ang pag-unawa niya sa mga bagay. Bihira siya magsalita pero malaman,” tugon ni Ka Carol.

Magtatawanan ulit ang dalawa sa ginagawang paglalahad.

Noong magligawan ang dalawa, naghahanda na si Ka Antoy sa programa ng integrasyon sa kanayunan. Ipinahayag ni Ka Antoy sa kanyang mga kayunit na nagugustuhan niya si Ka Carol. Nagkaroon sila ng ilang buwang pagkakakilanlan. Pagkatapos, tinasa ang panahong ito kasama ng mga kayunit bago tumuloy si Ka Antoy sa naka-planong intergrasyon.

Matagal dumating ang mga sulat. Pareho silang palaging nagpapadala ngunit bihirang nakakatanggap ng tugon. Habang magkalayo, may ilang pagkakataong nag-aalinlangan sila sa hahantungan ng relasyon. Ilang buwan pa ang nagdaan, nagpasya na si Ka Carol na pumasok sa programang integrasyon sa kanayunan.

Matagal pang panahon ang lumipas bago nagkita ang dalawa, sa isang malakihang pag-aaral na pareho nilang dadaluhan. Simula nito, isinasama sa pagplano ng kani-kanilang yunit ang pagkikita ng magkasintahan. Tuwing tatlong buwan, nagkikita sila Clara at Andoy.

“Magkaiba kami ng yunit,” ang sabi ni Ka Carol. Kusa silang nagpasya na mag-iba na muna ng papakatang yunit para may panahon ang isa’t isa na makabuwelo at lubos na makapokus sa bagong gawain.

“Nagsusulatan na lang kami tuwing may tatawid (sa kani-kanilang lugar na pinagkikilusan),”  dagdag ni Ka Antoy.

KasalSa gitna ng pagrerebolusyon, ang kasal ay mahusay na pinaghahandaan ng mga nais magpakasal at ng mga kinauukulang yunit. Taliwas sa burgis na birong ang pagpapakasal ay pagpapasakal – tinitingnan ng rebolusyonaryo ang pag-iisang dibdib bilang pagkakataon para lalong lumawak ang pag-unlad ng sarili at ng isa’t isa; sa halip na “matali”, ang pag-aasawa ay isang daan para ang magkarelasyon ay maging mapagpalaya.

Dahil sa rebolusyon, napatunayan nina Ka Andoy at Ka Carol – pwede palang higit sa isang beses magkakilala ang dalawang tao?

Nagkalayo ang magkarelasyon ng isang taon dahil sa ilang pangyayari kaugnay ng kilos ng kaaway. Nagkaroon ulit ng mga panahon ng pagdadalawang-isip sa relasyon. Ngunit noong magkita ang magkasintahan, nagpasya silang bigyan ang isa’t isa ng isa pang pagkakataon. Muli silang nagkakilanlan. At pagkatapos ng mahigit isang taon, nagpasya na silang magpakasal.

“Ang pagpapakasal ay isang malaking hakbang sa aming relasyon. Tumatanaw na kami ng pagbubuo ng pamilya. Hindi madaling gawin iyon dahil sa mga kalagayan bilang hukbo,” sabi ni Carol.

“Ang mahalagang bahagi ng kasal ay iyong counselling. Bago ang kasal, nag-uusap ang mga magpapaksal, isponsor at kadreng magpapakasal. Doon namin inilahad iyong mga pinagdaanan namin at tinasa ang relasyon para matiyak na sapat na ang batayan sa pagpapakasal.”

Kaiba sa mga burgis na institusyon ng kasal, ang pagpapakasal sa proletaryong kilusan ay nakatuon sa pagpapaunlad ng relasyon bilang mga rebolusyonaryo – pinapagtibay nito ang mithiin na maglingkod sa sambayanan. Kinikilala at tinataguyod nito ang pantay na karapatan ng isa’t isa. Mula sa mga paninindigang ito nagreresolba ng mga usapin at nagpapaunlad ng relasyon ang mag-asawa.

“Sa mga tunggalian naming dalawa, sinisikap namin na maging prinsipyado, ” sabi ng Ka Carol. “Umiiwas kami sa mga personal na atake lalo na ‘pag dating sa gawain.” dagdag ni Ka Antoy.

Nang magkasama sa yunit ang mag-asawa, mahigpit na nagtutulungan ang dalawa sa gawain at relasyon. Katulong nila ang mga kasama sa pagpapaunlad ng relasyon lalo na kung nagkakaroon ng mga pag-aaway.

“Hindi kailangang mag-isang harapin ang mga problema lalo na sa pagpapamilya. Maraming kaming naging katuwang na masa at kasama.” sabi ni Antoy.

Walong buwan nagbubuntis si Ka Carol nang pansamantalang tumigil ito sa gawaing hukbo. Sa buong panahon ng pagbubuntis, tinutulungan siya ng kanilang mga ka-yunit sa pagtitiyak ng wastong pagkain at pahinga, at sa regular na pagpapaduktor.

“Tinulungan ako ni Antoy pagkatapos kong manganak. Binigyan siya ng leave (sa gawaing hukbo) para alagaan ang anak namin. Mahirap manganak kaya tiniyak niyang makakapagpahinga ako pagkatapos,” sabi ni Ka Carol.

Bagamat may mga kahirapang pinagdaanan sa panahon ng pagbubuntis hanggang pag-aalaga ng anak, tumatanaw sila na dadagdagan pa ang kanilang anak.

“Pero saka na,” sabi ni Ka Carol.

“Ang tamang spacing sa pag-aanak ay dalawang taon. Ito ang panahon para makapanumbalik ang katawan ng ina na nanganak,” ani Ka Antoy. “ Ang payo sa amin, dalawa hanggang tatlong anak. Mayroon din kaming mga isinasa-alang-alang na gawain at pinansiya.”

Sa ngayon, pabalik na ang mag-asawa sa gawain sa kanayunan. Maiiwan ulit ang kanilang apat na taong gulang na panganay sa mga magulang ng dalawang kasama.

“Nakaplano sa buong taon ang pagbisita namin sa kanya,” sabi ni Ka Antoy.

“Pwede naman naming isama ang aming anak. Kaya lang para sa amin, kung titimbangin iyong mga bentahe at disbentahe sa pagpapaalaga doon at sa aming magulang, mas pumabor na kami na iwanan siya dito,” paliwanag ni Ka Carol.

Sabi ni Ka  Antoy: “Ang pangarap lang namin sa anak namin, lumaki siyang naghahanagd ng simpleng pamumuhay.”

“At, maunawaan niya ang ginagawa namin,” dagdag ni Ka Carol.

Para kina Ka Carol at Ka Andoy, ang pagtataguyod ng pamilya ay kaugnay at kahawig rin ng pagsisikap para sa rebolusyon. Tulad noong unang nabuo ang kanilang pag-iibigan, ito’y pagiging hindi makasarili; ito’y paghawak sa kamay ng isa’t isa – at ng masa – para sa bukas na mas makatao, mas makatarungan, at mas malaya.

Ang sabi ni Ka Clara, “ Ang pagrerebolusyon at pagpapamilya ay hindi dapat pinagbabangga. Dapat pinapaunlad nito ang isa’t isa.”

Ang sabi ni Ka Antoy, “Ang pakikipagrelasyon at pagpapamilya ay pinaplano. May mga tungkulin din. Tungkulin naming tumulong sa pag-unlad ng isa’t isa. At, tungkulin naming imulat ang aming pamilya at ang aming anak sa rebolusyon.”

Reaksyunaryong Midya
ANG DOMINANTENG MIDYA SA PILIPINAS ay pangunahing nagsisilbi bilang 1) instrumentong ideolohikal ng papet na estado at 2) institusyong komersyalisado. Sa pamamagitan ng midya, ang pagpapahirap at pambubusabos ng imperyalistang US at lokal na naghaharing-uri ay hindi lamang itinatago kundi ipinapatanggap sa masa. Ito ang maaasahan sa midya na pag-aari ng malalaking burgesya -mga burukrata-kapitalista na nakikinabang sa dominasyon ng mga imperyalista sa bansa. Dahil dito ang dominanteng midya sa Pilipinas ay tinatawag na reaksiyonaryo.

Instrumento ng papet na estado

Nagsasanga ang relasyon ng burukrata-kapitalista at imperyalistang US . Nag-uugnayan ang dalawa sa pamamagitan ng 1) pagiging isponsor o advertisers ng midya ng mga Multi-national Corporation o MNCs 2) pagsisilbin ng mga imperyalista bilang internasyunal na news agencies na pinagkukunan ng impormasyon ng lokal midya, 3) pagpapalaganap ng midya ng lokal at dayuhang maka-US na edukasyon, at 4) pagpapaaral ng mga imperyalista sa ilang indibidwal sa pamamagitan ng mga US study at travel grants para sa mga editor at mamamahayag.

Ang mga nabanggit ang mga bagay na nakaka-impluwensiya sa midya para kumiling sa imperyalista. Ang mayor na programa ng gobyerno ay sinusuhayan, kundi man ay sinasakyan, ng midya. Halimbawa, malaki ang diin ng gobyerno sa pagpapadala ng mga OFWs para isalba ang ekonomiya ng bansa. Binabaha naman ang midya ng mga balita at kwento tungkol sa mga OFWs. Sa isang banda, reyalidad ang pagdami ng Pilipinong nakaasa sa mga kamang-anak na OFW. Pero kadalasang makaisang–panig o walang malalim na pagpapaliwanag ang mga balita at kwento tungkol sa OFW. Ang pagtindi at pagdami ng kaso ng mga OFW ay nangangahulugan ng dagdag na kita dahil nabubukas ang pamilihan sa ibang bansa.

Kumpetisyon sa Midya

Matindi ang kumpetisyon ng magkakaibang kumpanya ng midya dahil nag-aagawan ito sa mga isponsor. Mahalaga sa kanila ang dami ng manonood o ratings dahil kasama ito sa pagdedesisyon ng isponsor kung saan ilalagay ang pondo para sa patalastas.

Sa pagtindi ng bangayan ng mga naghaharing-uri, tumitindi rin ang kontradiskyon ng reaksiyonaryong midya. Tumitindi ang kumpetisyon ng midyang may magkakaibang sinusuportahan na kandidato. Nagkakaroon din ng kontradiksyon sa loob ng mga institusyon ng midya dahil sa magkakaibang sinusuportahan. Halimbawa, sa isang pahayagan, ang editor at ang may-ari ay maaaring may magkaibang nais suportahan na kandidato.

Institusyong komersyalisado

Ang midya ay institusyong komersyalisado. Ang mga balita at kuwento ay itinuturing na produktong nabibili. Sa isang demokratikong lipunan, may karapatan ang mga mamamayan sa impormasyon. May karapatan din sila sa malayang pamamamahayag. Pero ang nangyayari, ang impormasyon ay binibili at ang pamamamahayag ay kontrolado ng iilang makapangyarihan.

Sa gitna ng matinding bangayan ng naghaharing-uri twuing eleksyon, may iba’t ibang pakete ang midya para sa mga kandidato. Ang huli ay maaaring magbayad para maglabas ng advertisement o balita para makilala at suportahan ng publiko. Sa kaso ng mga kandidatong kaalyado ng kalabang instistusyon, maaaring magbayad ang mga nasabing kandidato para hindi magpahayag ng atake dito. Iba’t ibang kaso, magkakaibang negosasyon. Pero ang isang tampok sa midya nitong mga nagdaang taon ay ang pag-institusyonalisa ng negosasyon. Ngayon hindi na lamang paisa-isa ang mga binabayaran ng pulitiko. Nakikipagnegosasyon na rin ang huli sa mga may-ari at may mataas/maimpluwensiyang pusisyon ( gaya ng editor) sa midya. Sinasabing mas napapakinabangan ng marami sa midya ang ganitong buu-buong pakete ng pagbababayad. Pero, tiyak na mas malaki ang napupunta sa mga may-ari at nasa matataas na pusisyon. Ang ganitong sistema ay higit na pinapakinabangang mga pulitiko at may-ari ng midya. Sa pulitiko, paraan ito para matiyak ang pagsuporta ng midya. Sa may-ari , ito para tiyakin na malaki ang makukuha (kumpara kung babayaran ng pulitiko ang ilang mga mamamahayag) at para kontrolin ang pahayag hanggang sa ibaba pabor sa pulitikong sinusuportahan.

Alternatibo

May ibinubukas na pagkakataon ang bangayan ng mga naghaharing–uri. Para siraan at pabagsakin ang isa’t isa, hinahayaan nito ang pagpasok ng ilang mga progresibong pamamahayag. Subalit mananatili itong limitado at ‘di palagian.

Bunga ng krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan, ang kayamanang pinaghahatian ng mga naghaharing-uri ay lumiliit. Lumiliit din ang pondong nailalaan para sa midya. Kaya mabilis na nagbubukas ang reaksiyonaryong midya sa dayuhang pamumuhunan para maisalba ang institusyon. Ang paglaki ng kontrol ng mga dayuhan sa midya ay nangangahulugan ng mas komersyalisado at mapanupil na midya.

Ang pinakamainam na alternatibo sa reaksiyonaryong midya ay ang pagtatayo ng rebolusyonaryong midya kung saan mas malayang makakapagpahayag ng kalagayan ng sambayanan.

Sa rebolusyonaryong midya, binabasag ang ideyang dapat walang kinikilingan ang midya. Pinag-iiba nito ang nyutral na pusisyon sa pagbibigay ng katotohanan o pagiging siyentipiko.

Ang gabay sa pamamamahayag ay mula sa masa tungo sa masa. Ang masa ang magpapasya kung ano ang totoo. Ang pagtangkilik ng masa din ang sukatan ng tunay na rebolusyonaryong midya. Kung ito ay midya ay kakatawan sa reyalidad at kung ito ay makakatulong sa pagpapalaya ng sambayanan, ito ay tatangkilikin ng masa.

Sinong Sinungaling? Mga Mensahe ng trapo at pakawala ng estado
“Pangarap kong tuparin ang pangarap niyo.”-pahayag ni Pichay, isang sagad-sagaring tuta ng rehimen at despotikong panginoong maylupa sa Mindanao . Siya ang nagsulong ng batas para gawing special economic zone at free port ang pinamumunuang mga munisipalidad ng Surigao del Sur. Umaabot sa P34,135,550.00 ang yaman (idineklarang Net Worth ) nito. Siya ang naging chairman ng National Defense and Security ng Kongreso -pusisyong ipagkakatiwala lamang sa mga pulitikong handang ilunsad ang sistematikong panununupil sa mamamayan. Siya ang nagsulong ng Identification System sa bansa at pagpapataas ng bayad sa militar (rate of combat duty pay). Ngayong panahon ng eleksyon, alalahanin ang botod na pulitikong nagpapakasasa sa yaman ng bansa at panunupil sa mamamayan.

“Walang Pilipinong iskwater sa sariling bansa.”

-pahayag ni Mike Defensor, sagad-sagaring tuta ng rehimeng may pananagutan sa demolisyon ng maraming tahanan sa Metro Manila at kalapit na probinsya. Mismong mga internasyunal na grupong pangkarapatang pantao ang nagpatunay na ang gobyernong Arroyo ay kasama sa mga nangunguna sa mundo na nagsagawa ng malawak na dislokasyon ng mamamayan.

Si Defensor ang nagsilbing opisyal na campaign spokesperson ni Arroyo noong halalan 2004 na kinatatangian ng malawakang pandaraya. Siya ang naging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources -pusisyong susi sa pandarambong ng likas na yaman ng mga Multinational Corporation o MNC. Noong panahon ng kanyang panunungkulan, isinulong nito ang mga proyektong minahan.

Kilalang sipsip sa pekeng pangulo, ito ang hinarang na Presidential Chief of Staff. Ngayong panahon ng eleksyon, alalahanin ang kareristang pulitikong kakuntsaba ng numerong unong kaaway ng sambayanan.

“Wastong edukasyon sa bawat Pilipino.”

-pahayag ni Ed Angara, kilalang tagapagsulong ng komersiyalisasyon ng edukasyon. Ito ang nagsulong ng batas na lumikha ng Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagpalala ng pagtaas ng matrikula sa pribadong paaralan at pag-usbong ng mga kursong bokasyunal para pakinabangan ng mga MNC. Ito rin ang may pananagutan sa pagtaas ng matrikula sa pampublikong paaralan bilang presidente ng UP.

“Ipagpatuloy natin ang pagsusulong ang karapatan ng kababaihan.”

-pahayag ni Tessie Aquino-Oreta, babaeng Senador na sumayaw sa galak nang hindi buksan ang kontrobesiyal na envelope ni Erap –bagay na ikinahiya ng maraming kababaihan at anakpawis.

Ipinamamandila din nito ang pangangalaga sa guro at edukasyon samantalang ito ang nagpanukala sa Senado ng Governance of Basic Education Act of 2001 na nagsusulong ng higit na komersiyalisasyon ng edukasyon sa bansa. Higit pa sa pagiging balambing, ito ay traydor sa mamamayan.

“Kakatawanin ko ang mga mardyinalisadong sektor na kalahok sa mga aktibidad pangseguridad.”

-pahayag ni Jovito Palparan, berdugong militar, unang nominado ng Bantay party-list. Tanging proteksyon ng naghaharing-uri ang isunusulong nito. Kilala si Palparan sa walang habas na pagdukot, pagtortyur at pamamaslang sa mga aktibista at masang napaghinalaang taga-suporta ng mga progresibong organisasyon. Sa isang interbyu tungkol sa operasyon ng militar sa kanayunan, siya mismo ang nagsabing pasensiya na lamang ang mga tatamaan ng bala na madadamay lang sa kanilang pagtugis sa NPA. Ngayong panahon ng eleksyon, alalahanin ang inutang na dugo ni Palparan sa masang Pilipino.

“Ang mapanlinlang at hindi makatotohanang opinyong o sarbey ay hindi sumasalamin sa saloobin o kagustuhan ng mamamayan. Ito ay nagagamit bilang propaganda ng nagbabayad na kliyente.”

-pahayag ng ANAD, sa pangunguna ng mga makabayang partylist sa sarbey. Ang ANAD ay binuo ng grupong NAD na pumalit sa Alsa Masa, isang vigilanteng grupong inorganisa ng gobyerno sa Davao . Naging kilala ang ANAD dahil isa ito sa limang mga partylist na inendorso ni Arroyo sa Hello Garci. Kumpara sa mga partylist na pangunahing umaasa sa suporta ng masang anakpawis, ang ANAD ay suportado ng korap na rehimeng Arroyo. Kung mayroon mang malaking kliyente ang midya at institusyong pang-sarbey ngayon, ito ang mga pulitiko at partylist tulad ng ANAD na pakawala ng estado.

“Isa sa mga misyon ng Aksyon Sambayanan ay ang pagtulak sa mas mahigpit na pagpatupad ng mga labor standards at pagbigay ng benepisyo sa mga manggagawa. Ang AkSa ay naninindigan sa mga pambansang isyu gaya ng fertilizer scam.”

-pahayag ng Aksyon Sambayanan o Aksa na pinamumunuan ni Beth Angsioco na pangkalahatang kalihim ng Partido Sosyal Demokratiko ng Pilipinas o PDSP na itinatag ni National Security Adviser Norberto Gonzales na utak sa pagsupil ng paglaban ng mamamayan at pag-igting ng militarisasyon sa bansa lalo na sa hanay ng magsasaka at manggagawa.

“Mayroong mabubuting partidong maka-Kaliwa tulad ng Akbayan”

-sinabi ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon bilang reaksiyon sa batikos sa AFP ni UN Special Rapporteur Philip Alston. Mariing itinanggi ng Akbayan na alyado sila ng militar ngunit sa isang presentasyong powerpoint ng Armed Forces of the Philippines napag-alamang isa ang Akbayan sa mga inindorso ng militar noong halalan 2004. Sinusuportahan ng estado ang AKBAYAN dahil nililito at hinahati nito ang mamamayan sa pagpapanggap na maka-kaliwa.

“Hindi ako tagapangalaga ng aking kapatid.”

-pahayag ni Comelec chief Abalos sa pagtakbo ng kanyang kapatid na si Dr. Arsenio Abalos bilang unang nominado ng partylist ng mga drayber ng tricycle. Bukod sa walang naniniwalang lingid sa kaalaman niya ang ginawang pagtakbo ng kapatid, walang Pilipinong dapat maniwala na ang isang mayaman at dikit sa administrasyong pulitiko ang magsusulong ng karapatan ng manggagawang tsuper.

“Hanggang mahalal ang mga partidong ito, walang patakaran para madiskuwalipika ang mga nominado ng sinumang grupong party-list,”

-pahayag ni Atty. Alioden Dalaig, pinuno ng Legal Department ng Comelec

-pahayag ng Comelec, isang institusyong pang-eleksyon ng estado na itinangging ilabas sa publiko ang mga nominado ng mga party-list sa panahon ng pangangampanya. Aniya, partylist ang binoboto at hindi ang indibidwal. Palibhasa’y marami sa mga nominado ang pakawala o ‘di kaya’y panggulo lamang ng rehimeng Arroyo. Ito ang ilan sa mga partylist na may koneksyon sa gobyerno:

1. AT (Aangat Tayo)

May koneksyon kay PITC Usec. Teddie Elson Rivera

2. Abono

May koneksyon kay House Speaker Jose De Venecia

3. Agbiag! Timpuyog Ilocano, Inc.

May koneksyon sa Office of External Affairs Asec. Marcelo Farinas II

4. Aging Pinoy (Aging Pilipino Organization, Inc.)

May koneksyon kay Norberto Gonzales

5. Ahon (Ahon Pinoy)

Dante “Klink” Ang II (1st nominee)

6. Ahonbayan

May koneksyon kay Norberto Gonzales

7. APOI (Akbay Pinoy OFW-National, Inc.)

DILG Usec. Melchor Rosales (1st nominee), DILG NCR Dir. Rodolfo Feraren (2nd nominee)

8. AKSA (Aksyon Sambayanan)

May koneksyon kay Norberto Gonzales

9. ANAD ( Alliance for Nationalism and Democracy)

Suportado ng AFP

10. ANAK (Angat Ating Kabuhayan Pilipinas, Inc.)

Supt. Eduardo Octaviano, NCRPO-PNP (1st nominee)

11. ANC ( Alliance of Neo-Conservatives)

Usec. for Presidential Appointments Liel Cordoba

12. Ang Kasangga

Miyembro, Sigaw ng Bayan

13. ARC ( Alliance of Rural Concerns)

Archie Santiago (anak ng maka-administrayong Sen. Miriam Santiago)

14. ATS ( Alliance Transport Sector)

Ariel Lim, Presidential Assistant for Public Transport Affairs

15. ABA-AKO

Percy Chavez, chairperson, Presidential Commission for the Urban Poor

16. Babae Ka (Babae para sa Kaunlaran)

miyembro, Sigaw ng Bayan; Sally Dagami (1st nominee), Ruth Vasquez (2nd nominee)

17. BANAT (Barangay Association for National Advancement of Transparency)

Raul Lambino (1st nominee)

18. Bantay

Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan (1st nominee)

19. Bigkis (Bigkis Pinoy Movement)

May koneksyon kay PAGCOR Chair Ephraim Genuino

20. BP (Biyaheng Pinoy)

Dr. Arsenio Abalos, Jesus Cruz (vice-mayor of Mandaluyong)

21. Kalahi (Advocates for Overseas Filipinos)

Poe Gratela, taksil sa kilusan at dating  Office of External Affairs coordinator for OFW concerns (1st nominee)

22. VFP (Veterans Freedom Party)

suportado ng AFP

Ilantad ang kabulukan ng reaksyunaryong halalan ng estado! Biguin ang pasistang pang-aabuso ng rehimen!
NGAYONG HALALAN, masasaksihan ng sambayanang Pilipino ang isa sa pinakamarahas, pinakamadugo at pinakamaduming halalan sa kasaysayan ng bansa. Sa panahon ng pag-igting ng tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing-uri, lalo ring tumitindi ang tunggalian sa pagitan ng sambayanan at ng kinamumuhiang rehimeng US-Arroyo. Nagkukumahog ito sa pagsalba sa sarili laban sa hatol ng nagngangalit na sambayanan.Matindi ang desperasyon ng rehimeng US-Arroyo na pigilan ang pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan, pagbigo sa ligal na demokratikong kilusan na naggigiit sa mga demokratikong karapatan ng masang Pilipino, at pagpanalo ng mga progresibong partylist at kandidato sa pambansa at lokal. Dahil sa buhong na pagkatakot, pinakamasahol na mga maniobra ang ginagawa at binabalak nito.

Lalong nitong pinapatindi ang pasistang atake sa ligal na demokratikong kilusan. Walang habas ang pamamaslang, pagdukot, at pananakot sa mga militante at progresibong lider-masa. Higit na malala, pinapaigting nito ang militarisasyon sa kanayunan at pati na rin sa mga sentrong lungsod. Kaugnay nito ang pagpapasa sa batas kontra-terorismo na Human Security Act.

Maitim ang balakin nito sa pagharang sa panalo ng mga progresibong partylist at mga kandidatong nais magsulong ng tunay na pagbabago para sa masang Pilipino. Abala ang administrasyon sa paghahanda ng samu’t saring kaso laban sa progresibong mga party-list, sa tuluy-tuloy na pagpapalaganap ng maitim na propaganda at red-baiting, at sa pagsisikap na idiskwalipika ang mga progresibong party-list.

Ginigipit nito ang mga kalaban sa pulitika sa iba’t ibang paraan, lalo na iyong tampok sa pagtuligsa sa rehimen. Makikita ito sa kaso ni Cayetano, Trillanes, Honasan, at Estrada na gustong mangampanya ngunit pilit na hinaharangan. Nauna pa dito ang nabigong hakbanging patalsikin si Makati Mayor Jejomar Binay sa kanyang pwesto. Pinapakitid rin ng administrasyon ang mapagkukunang rekurso ng mga kalaban samantalang umuulan ng pera para sa mga pakulo ng mga kandidatong maka-administasyon. Hinahati at binabato rin nito ang Genuine Opposition (GO) ng maitim na propaganda. Kung dikit sa oposisyon, ginigipit ng administrasyon ang masmidya. Ipinapangalandakan nito na pawang panggulo lamang ang mga kandidato ng oposisyon.

Gamit nito ang lahat ng rekurso ng Malakanyang, AFP at PNP para tiyakin ang panalo ng mga kandidato at partylist ng gobyerno at naghahanda sa malawakan at garapalang pandaraya. Katuwang nito ang Comelec para sa mga balaking ito. Bahagi rin nito ang pagsangkot ng militar sa mismong pangangampanya para sa mga kandidato ng gobyerno at laban sa mga progresibo.

Ang lahat ng ito ay malinaw na nagpapakita sa reaksiyonaryong katangian ng eleksyon. Walang pag-asa ang mamamayan na makakamit ang hinihingi nitong tunay na pagbabago sa pamamagitan ng prosesong ito. Gustong panatilihin ng kasalukuyang rehimen na ang eleksyon at parlyamento ay para lamang sa naghaharing-uri at papet ng imperyalismong US. Nagkukumahog itong biguin ang napakalimitadong puwang sa loob nito para sa mga progresibong kandidato at partylist na tunay na magdadala ng mga mithiin ng mamamayan.

Subalit hindi hinahayaan ng rebolusyonaryong kilusan na buung-buong ipaubaya sa naghaharing-uri ang isang pulitikal na pagkilos na nilalahukan ng malawak na mamamayan. Nagbibigay ang halalan ng mainam na kundisyon upang ilantad at tuluyang ihiwalay ang rehimeng US-Arroyo at buuin ang pagkakaisa laban sa pinakamakitid na kalaban ng mamamayan. Kailangang masunggaban ang mga pagkakataong ito upang umani ng mga tagumpay para sa rebolusyon at sambayanan.

Kailangang puspusang ilantad ang pasistang pakana ng rehimen, abutin ang pinakamalawak na bilang ng kabataan at mamamayan sa buong bansa upang magpursige para gapiin ito. Mahalaga ang malawak na pakikibakang masa upang matibay na maharap ang anupamang pasistang pang-aabuso at atake ng rehimen sa ligal na demokratikong kilusan. Pakilusin ang mas marami pang kabataan at masa upang itaguyod at ipanalo ang mga progresibong partylist at kandidato. Patuloy na pukawin ang diwang mapagmatyag ng sambayanan laban sa inihahandang pandaraya at iba pang maitim na pakana ng rehimen.

Ang kabulukan ng prosesong ito ng rehimen ay higit pang nagtutulak sa rebolusyonaryong kilusan ng kabataan at estudyante kasama ang malawak na sambayanan na higit pang paigtingin ang pagsulong ng bagong demokratikong rebolusyong bayan at matagalang digmang bayan. Dito lamang makakaasa ang kabataang Pilipino para sa isang maningning at maaliwalas na kinabukasan. #